
Sabado nang hapon. Nagyayaan ang mga boys na magswimming sa spa. SHY effect naman ang mga girls. Ika nga ni Swannie "'Di na swimsuit material ang mga wan-kata namin, no!" To which sabi naman ni Charlie, "speak for yourself!" Pero nagpaiwan na rin si Charlie kasi siya lang ang magiging girl doon sa spa. So ang mga naiwan ay ang mga sleeping beauty: si Gary, si Gia, si Nettes and Charlie at ang mga wiz type mag-bare ng legs: si Rey J., si Lino at si Swannie. Nang bandang twilight na, biglang nangati itong si Lino: "Uy, tara, mag-sunset walk tayo!" kaniya sa mga gising. Sabi naman ni Swannie, "Teka lang, nagtitimpla pa ko ng hot chocolate para kay Rey and Gia (who was just waking up at that time)!" "Noooooh! I want to take the walk NOW! bago pa lumubog nang tuluyan ang araw!" desedidong sagot naman ni Lino. Eh, bihi-bihira lang ma-experience ni Susan si Lino being in such a determined disposition, bumigay tuloy bigla ang kanyang matronly bearing! Sige na nga... at kinaladkad niya na rin si Rey. (si Granny G ayaw magpakaladkad) So, tatlo silang naglakad sa winding dirtpath ng woods habang lumulubog ang araw. Kung anu-ano ang na-aninag nila sa dapithapon - kesyo may Arthurian druidic fog rising with the Aspen trees somewhere to our right. Si Rey naman may nakitang pair of dark horns at the end of the picket fence, winding along the trail. Swannie wanted to investigate a clearing that seemed to emanate a darker shade of mist, and whose bottom nor top is not visible due to the fading light. "Might be the X-file scene I've been visiting in my dreams..." 'ka niya. Pinigilan naman siya ng dalawang boyz na nakarinig ng gurgling brook alongside. Baka nga naman iyong clearing ang treshold to the twilight zone ... the gurgling brook, the warning song of the naiads (water nymphs, para doon sa hindi mahilig magbasa ng mythology) Nang hindi na maaninag ang daan, nagyaya na si Lino pabalik. Eh paakyat ang daan. Sabi ni Swannie kay Bionic Rey: "Rey, kung mabilis kaming maglakad, sabihin mo lang, ha!" Sige lang nang lakad si Rey. Naisipan naman ni Swannieng magkuwento ng ghost story tungkol sa kanilang beloved PCS. (the story is in a different page titled "Knot of Forever" -- link at the bottom of this page) Habang kinukuwento niya ang storya, si Lino naman nananakot : "May sumusunod sa atin, at may binubulong siya sa akin..." Kuwento pa rin si Swannie. Pero kinikilabutan na rin sa "imaginary friend" ni Lino. Si Rey naman pabilis nang pabilis ang lakad. "Rey!" sabi tuloy ni Lino, "pahinga muna tayo! pagod na 'kong umakyat pataas!" Hahahahaha! Si Lino ang sumuko kay bionic boy Rey! Ayaw papigil si Rey. Hindi mo malaman kung dahil sa kuwento ni Swannie, sa "imaginary friend" ni Lino o talaga lang lumalabas ang pagkabionic ni Rey pag dumidilim at paakyat ang lakad. Maya-maya kamo ... naihi! "Sige mauna muna kayo, sasaglit lang ako sa puno!" sabi ni Rey. Hahahaha! Naihi sa takot si Rey! Tamang tama nang matapos ang istorya ni Swannie, natatanaw na ang bathhouse from a distance. Sabi ni Lino, "Nagustuhan din nung nasa likod natin ang kuwento mo, San!'" EEEEEK!" Halos magpakarga na lang si Swannie sa takot sa imaginary friend ni Lino! 
Sabi ni Rey: "Sino yung babaeng puting-puti ang buhok doon sa harap ng men's room? Tingin silang tatlo. Di nila makilala. Oo nga, parang may puting halo nga naman yung babae, naaninag lang sa kadiliman. "Naku! baka nag-incarnate na yung imaginary friend ni Lino! Dali-dali ang hakbang nilang tatlo papunta sa log cabin. Sinundan sila ng "AWOOOOOO!" Lalo silang nag-unahan papasok! Tinutulak na ni Swannie si Rey sa mabatong daan para bumilis ang lakad ni Rey! Nang nakapasok na sila cabin, maya-maya may pumasok kasunod nila: si Gia, nakabalumbon ng puting tuwalya ang buhok dahil nagshampoo. Kaniya,"Tinatawag ko kayo kanina from the bathhouse, di niyo ko marinig! nag-AWOOO tuloy ako!" The Knot of Forever |