
TOP: Looking for that elusive spark! BOTTOM: Granny G forgot about the salad... and to wash her hands! 

"Kaninong recipe ang gagamitin natin?" "Depende... sino bang i-impresin ?" Nag-grocery ang mga boyz on the second day para sa barbecue that night. Sangkatutak ang biniling porkchops, ribs at may isda pa, akala mo barrio fiesta ang affair! Si Das, Tim and Cowboy ang in-charge ng grill. (Taga-ilaw lang daw si Cowboy) Tipo ni Loy ang mag-bonfire, so sabi niya, "Sinong boy scout diyan?" Eh, tong si Cowboy, graduate na ng pagkaboy-scout (parak na daw siya, eh) so inisnab na ang call of the wild. Taas tuloy ang kilay at mga kamay ng mga girlscouts: si Swannie at si Lino yun (lalaking girl scout si Lino nung fourth year tayo, tanungin niyo si Miss Ruby) Type din ni Gary ang maging girl scout, so ni-recruit siya ni Swannie as apprentice.
|
 |
|
|  |
 |
Hingal na hingal si Gary ... sa pagpaypay ng baga, that is. Si Lino naman, expert talaga sa pagkapa ... ng tuyong kahoy sa dilim, hoy! Sa madali't sabi, nag-alab na rin ... ang kahoy na malaking hinakot ni Tim. Applause naman ang mga walanghiyang walang ginawa kundi manood lang habang nawawalan ng glamor si Swannie at nag-aamoy pinausukang pato na siya. Sabi n Swannie "Gary, I think you've earned your badge now ... you're sooo good at kindling and rekindling fire! I think I'll belly bump you!" Sabi naman ni Gary: "Yeah! And you're so patronizing! But I'll take your belly bump, anyway!" So belly bump si Gary at Swannie. For those of you who do not watch gay-oriented t.v., belly-bumping (I'm sure they have other names for it) is just a more intimate version of "high five." Two people slightly jump up and bump their protruding bellies. (Sr. Rae, this is still wholesome fun, don't get scandalized just yet!) Ini-how, nang naluto na ang unang batch ng inihaw, may nakaalala: "Hoy, sinong toka sa salad?" Napaigtad ang beauty ni Granny G, who until then, ay nakabalumbon lang sa isang lounge chair sa tabi. Bilis-bilis nagkanaw ng ceasar's salad si Gia. Sa bilis, nagdududa tuloy na nagtanong si Swannie, "Gia, naghugas ka ba ng kamay bago ka gumawa ng salad?" Deretsong sagot naman ni Gia: "Naghugas ako ... pero hindi ng kamay!" Ay, patay! Kaya pala may anchovy flavor at aroma ang salad. "Mmmmm. sarap!" sabi naman ng mga boyz! Ewan ba kung dahil sa anchovy flavor, o sa 70's background music, o sa burning flame ng bonfire at barbecue, maya-maya MAY NAGPROPOSE: "Gia, will you marry me?" Si Charlie 'to. "Para may fiance visa na ko sa states." Di agad nakasagot si Gia. Nagdalawang-isip tuloy si Charlie: "Kaya lang, " ika niya, "baka gabi-gabi mag-away tayo!... Pag-aawayan natin kung sinong magsusuot ng duster na pantulog!"
|
 |
|
|