Home | Getting There - Almost No Sparks | The First Night: Warming Up | The Second Night Part I: Flames | The Second Night Part II: Embers | Going Back: the Afterglow | A (Scary) Walk in the Woods | The Knot of Forever | Conversations and Such | Hanging Out Photos | Paalam Photos | Vernon | Contact Me

PCS77 Fall in New Jersey
The First Night: Warming Up

Sinong Gustong Matulog

KANTAHAN BLUES SIYEMPRE!

Labing isa kaming dumating: si Nettes, Gia, Gary, Loy, Lino, Charlie, Das, Tim, Cowboy, Rey J. at Swannie. Ang ganda-ganda talaga ng cabin! Pagbungad mo sa pinto, may mga sofa at kahoy na mesang nakapaligid. May mesa at mga kahoy na silya sa kainan at kahoy ang sahig, dingding at kisame.

Sa sitting room, makikita mo ang pintong patungo sa terasa na nakabungad din sa lawang tahimik ang tubig. Bago ang buwan at may dalwang bulubundukin sa magkabilang baybay ng lawa. Ang dalwang ito'y humuhugis sa lawa nang pa-zigzag, (ano bang Tagalog nito?) at sila'y nagsasalubong sa abot-tanaw.

May dalwa o tatlong punong ang mga anino'y tumatama sa tubig. Napapagitnaan ang mga aninong ito ng isang batong nakausli sa lawa. Malapilak ang liwanang ng buwang nananalamin at ang mga bitui'y parang mga sintang nagniningning!

Ang dating ng tanawin: ZEN, ika nga. (O para doon sa mahilig sa Luneta, Japanese garden) Naalala ko tuloy ang kanta ng APO Hiking Society:

"Kapanuhanan na naman ng pagmamahalan
At kasama kita sa ---- ng kung saan!
Kabilugan ng buwan (actually, kamurahan)
At ang hangin ay may kalamigan
Yayakapin kita, giliw ko sa buong magdamag!"

Haaay! Kung mga binata't dalaga lang sana sila, ano? hehehe!

PERO, 'di 'yan ang kinanta namin. Ang kinanta namin
siyempre, James Taylor like "Fire and Rain," "You've Got a Friend" etc. (courtesy of Gary C.) at mga Tagalog na di ko na matandaan ang mga pamagat (guitar by Das H.)

Puro umpisa ang mga kanta, maliban doon sa mga solo ni Gary, dahil sa gitna ng kanta, may magbibiro ... hagighikan na naman! Sa pilit at suyo, pinakanta namin si Gia ng "A Certain Sadness" pero di daw niya alam ang kuwerdas, kaya a-capella na lang. Di rin natapos. Pero oks lang ... masaya talaga kami.

Charlie, ano na nga ba yung pinagkakanta mong mga tenor ang dating? Di kasi ako "Opera-da" kaya di ko matandaan, eh!

O, mga gels and boyz, ano pang nalimutan kong kinanta natin?




AYAW MATULOG (O MAGPATULOG) NI NETTES

Nang mapagod nang magsikantahan ang mga gels and boyz, sabi ni Nettes, "Hintayin na lang natin ang sunrise!" Dahil type din ni Swannie ang mag-star-gazing sa porch, naglatag siya ng sleeping bag at mat doon para makahilata sila ni Nettes.

Eh, itong si Gary, type ding magstar-gaze at maghintay ng sunrise, di nag-star-bathing din siya dun. Kuwentuhan blues silang tatlo ng mga bagay-bagay na walang kabagay-bagay, gaya ng ... kung tipo ba ng mga Filipinos who live in America to retire in America or in the Philippines (hah! kala nyo kung ano, na, ha!)

Maya-maya, join din si Charlie at si Lino. Sa antok ng inyong lingkod di NIYA na matandaan ang mga iba pang kuwento (o, kayo diyang mga naglamay, ano pa nga bang pinagkuwentuhan?) Hindi rin nahintay ni Nettes ang sunrise. Napilitang pumasok at humiga. Kaso lang maya-maya, bangon nang bangon tong si Nettes. Sabi niya: "Hoy, gusto ko talagang makita ang sunrise, huwag tayong matulog!" Sagot naman ni Swannie, "Eh, kung bangon ka nang bangon, LAHAT nga tayo makikita ang sunrise!" (walang makakatulog sa kanya)

So nakatulog din nang konti. Maya-maya kamo lumamig. Bumangon tong si Swannie at naghanap nang kumot sa dilim. May naaninag na parang kumot sa dilim. Hinila niya. "Bakit ang bigat nito?" Hila ... sige hila pa ... "Ang bigat talaga! Malapitan nga! ... AY! SI DAS PALA yun... nakabalumbon sa sleeping bag! "NAKU, sorry, Das, ha!"

Buti na lang parang tuod kung matulog si Das! Di man lang naalimpungatan sa hila ni Swannie.


picta.jpg

antok na... pero ayaw pa tulog! "rock-a-bye sweet baby gary"

PCS77 New Jersey Reunion Photos

PCS77 Homepage (PCS77 class members only)