IWANAN NA LANG NATIN SI GARY! Dahil si Cowboy at si Das ang natokang maghanap kay Gary sa Kennedy Airport (galing pa si Gary sa London), nag-ikot sila sa airport for 45 minutes na hindi makita si Gary hanggang sumuko na sila. "Pare, mukhang wala naman dito si Gary, eh! Tara na!" Sabi ng isa (hindi ko sasabihin kung sino)kay Loy na naghihintay sa van sa kanila. "Teka, baka masuwerte ako ... ako naman ang maghahanap!" Sabi naman ni Loy na hindi madaling sumuko pag may mission in pursuit. Five to ten minutes later, lumabas na si Loy from the airport, kasama si Gary. "Pare, hintay ako nang hintay doon, ba't di niyo ko nakita?" "Eh, ikaw rin pare, ba't di mo kami nakita?" sabi naman ni Cowboy. "Sabi ko nga kay Cowboy, parang may nakita akong kamukha ni Gary, eh!" palusot naman ni Das. ************* In retrospect, palagay ko kasalanan to ni Lino, eh. Kasi yung pinost niyang picture sa website from the Fremont reunion last year, "niretoke" niya nang husto na lumabas tuloy na PAYAAAAT NA PAYAT si Gary! Di tuloy nakilala nung dalwa! Sayang walang dalang camera si Lino, baka sakaling naretoke niya rin ang mga mukha namin, no? hehehe. ************* SALAMAT SA SUPERGLUE! Heto namang si Swannie, palibhasa MAY-ARI ng United Airlines (hoy, biro lang ha) di malaman kung anong oras dadating. Sa huli, nakarating din siya. Ang sumundo sa kanya si Gia, si Tim at si Lino. Hanap sila nang hanap, di nila makita si Swannie (e, paano siguro ang hinahanap nila yung naka-girl-scout uniform na green!) Si Swannie naman nakita na sila, pero, di naman nagsasabi, tinitingnan lang sila from a distance kung anong "reaksiyon" nang kanilang mga mukha (hahaha- may pagka voyeusse pa ang bruha) Nang makuha na ni Swannie ang bagahe (na akala mo isang buwan sa dami at bigat) nilapitan niya ang tatlo. "Hoy! mga poste!" (actually si Tim lang ang mala-poste) huwag niyo nang tanungin kung bakit, pero bago ako ngumiti, kailangan ko muna nang super-glue! "Ha, paano mo kaming nakilala?" Sabi naman ni Lino. "Easy," sabi naman ni Swannie, "Naghanap lang ako ng Pinoy na mukhang poste sa tangkad! Eh, di Nakita ko si Tim!" Yakap, kete halikan kaming lahat (hoy, yapos-diyes lang, ha! At beso-beso ala- Hollywood -- cheek-to-cheek). E, di drive na kami, sabi ni Swannie kay Tim, "Tim may madadaanan ba tayong grocery, kailangan ko talaga ng superglue!" Sabi naman ni Tim, "Sure, meron!" Drive kete, drive! Dalawang oras na ata kaming nagdadrive. Nasa malabundok na kami. Kuwento, Tawanan at kantahan blues kami sa van. "Tim, malayo pa ba ang grocery?" Ika naman ni Swannie. "Ha! Lumampas na tayo! Akala ko nagbi-biro ka lang!" sagot naman ni Tim. (halakhakan) "Naku, Tim ka... pag ako hindi nangiti sa buong reunion, kasalanan mo! Natanggal ang second layer ng dental crown ko kanina. Kaya ako nahuli, pumunta pa ako sa dentist. Dalwang oras ako doon para lang sabihin sa 'kin ng dentista: "Use superglue, then come back on Tuesday, and I'll fix it permanently!" Ngayon, hindi ako puwedeng kunan ng litrato dahil may gap ang ngipin ko ... waaaah!" Nakonsensiya naman si Tim. Hanap siya ng grocery. Buti na lang nawawala rin kami ... may excuse siyang tumigil sa gas station na may tindahan para magtanong. Suwerte naman at may super glue doon! Thanks to superglue, (and to Tim who finally took Swannie seriously) nakikita niyo si Swannie sa mga litrato dito!
|